MAGBAYAD KA Pinaka-importante sa lahat, kalimutan na ang lahat huwag lang ang bayad. Mapa-barya man yan na isa o dalawang piso, bayaran mu! Huwag kang feeling close sa nagbabantay. Bawal ang utang, huwag ka nang maglaro pag wala kang pambayad. Mahiya ka naman.
BAWAL ANG TAMBAY Ito ang dapat pinakakaiwasan mo. Huwag kang tumambay sa loob ng cafe, maliban sa mapagkakamalan kang walang pera, malamang iniisip na ng iba magnanakaw ka, snatcher o holdaper kaya. Alin ba talaga target mong kunin CPU, mouse, keyboard, headset o wallet ng katabi mo??
BAWAL MANIGARILYO Respeto lang sa iba, hindi lang ikaw ang costumer dito. Ang internet shop ay airconditioned, kung gusto mong manigarilyo lumabas ka, wala ka sa sabungan noh! Kung gusto mu magpatayo ka ng sarili mo. Maliban sa iisipin ng iba na bobo at tanga ka, tiyak na tiyak pagagalitan ka ng bantay mabuti pagdi mainit ulo niya – sisigawan ka pa talaga.
ANG AMOY Bagong gising ka ba? Bago mo unahin ang Facebook account mo, maligo ka muna at magpabango, saka ka na dumiritso sa internet cafe. Siguraduhing di ka nangangamoy palengke, isda o karne. Magkakalat ka lang eh. Maghugas ka kaya muna.
MAGING MAINGAT Ingatan mo naman ang keyboard, headset, mouse, at kung anu pa. Hindi sayo yan at siguradong mahal. Cge ka pag nasira mu yan baka isipan ng iba naiinggit ka. Ingatan mo din gamit mo, ‘wag kang iiyak-iyak at sisigaw pag nawala celpon mo, kung ulo mo kaya nawala?
BAWAL ANG PORN Kung gusto mo manood ng bold bumili ka ng dvd at panoorin mo sa bahay niyo, doon magagawa mo lahat. Isipin mo insulto yan sa iba pagnakita nila,huwag mo na idahilan na okey lang yan sa tribu mo, marami akong kilala di naman ganyan. At huwag na huwag mong ipagmayabang sa katabi, mandidiri lang sila sayo. Nakakawalang respeto kaya yan. . Respeto sa Ina mo, sa kapatid mong babae at sa sarili mo.
BASURA Nagugutom ka, so, bumili ka ng pagkain- snacks. Okey lang yan, basta ingatan at huwag lang magkalat. Pagkatapos mong kumain hanapin ang basurahan, huwag basta iwanan. Isipin mo nasa public place ka, baka isipin ng iba burara ka din sa bahay nyo.
Attitude Behave. Huwag maingay, ‘wag mong gawing extension ng palengke ang internet cafe, walang isda at gulay dito.
Be Sensitive. Di lahat ng ginagawa mo kaaya-aya para sa iba.
TULOG Huwag matulog sa loob ng cafe, wala ka bang bahay? Sigurado inis na inis na nagbabantay sa’yo.
MAGNANAKAW Siguraduhin mo lang na di ka makikilala at mahuhuli, di ka namin patatawarin, pasisikatin ka pa.
By: Jason
By: Jason
0 comments:
Post a Comment